Shookt ako sa pinsan ko, biglang nagka-baby

Names used are not their real name

Recently, nag-uwi ng shih tzu puppy yung pinsan (21F) ko. So ako, yung mama niya (Eve), yung pinsan ko (Juno), at yung isang tita niya (Jada), we were playing with the puppy one time nung dinala nila sa labas ng bahay.

I told Juno’s mama: “Nako tita, baka eto nalang maging apo niyo.” Kasi alam ko talagang walang boyfriend yung pinsan ko.

At the time, di ko masyado napansin reaksiyon nila. I was just engrossed with the puppy.

Two months later, Juno gave birth 😭. I was really clueless. Hindi rin kasi sinasabi sa ibang tao. Even my dad did not know. They really kept it hush hush kasi walang boyfriend si Juno. Hindi rin naman halata kasi lagi siyang naka-jacket/hoodie.

Ngayon alam ko na rin bat ayaw siyang pasamahin ng mama niya sa swimming 😭 Manganganak na pala si teh.